Di pag-appear ni Claudine sa kasal ng pamangkin, inintriga

WALA si Claudine Barretto sa kasal ng pamangkin na si Dominique Cojuangco, anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco, kaya kanya-kanyang haka-haka ang mga Marites ukol dito.

Tanong ng isang fan kay Claudine: “Bakit wala ka po sa wedding ng anak ni Gretchen at sa despedida de soltera….Di ka ba invited and my something ba uli kayo ng ate mo?”

Hirit ng mga netizens:

“Di siya invited siguro. Sayang may rift uli sila ng ate nya.”

“Baka warla uli sila ni Gretchen.”

“Ayaw daw ni Dominique.”

“Wala raw pamilya Barretto na invited.”

“Sana naman at least the grandma lang.”

“Dominique siguro prefer hindi mabahiran ng issue ang wedding niya lalo na hindi naman siya sanay na maissue kasi.”