Marcos bumisita sa burol ni Degamo

BUMISITA si Pangulong Bongbong Marcos sa burol ng pinaslang na Negros Oriental Gov. Roel Degamo kung saan tiniyak niya ang hustisya para sa nasawing gubernador.

“Well, I just came here para makiramay sa family ni Gov. Roel. Nagtatanong lang kami kung ano pa ‘yung kailangang gawin, paano matulungan ‘yung mga biktima at pati ‘yung mga nasa ospital ngayon,” sabi ni Marcos.

Umaasa naman ang biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo na matutukoy na ang utak ng pagpatay.  

“Nandiyan ‘yung mga ibang kamag-anak at asawa ng mga namatay kaya’t nakausap din natin. Sinabi ko lang sa kanila na makakaasa sila na magkakaroon ng hustisya dito sa inyong probinsiya na naging masyadong magulo na. So that’s all. That’s all that I’d like to say,” ayon pa kay Marcos.