Cristy pinagtawanan ‘kulto’ ng AlDub nation

NAPA-REACT ang veteran showbiz writer at host na si Cristy Fermin sa tila pagluluka-lukahan ng ilang miyembro ng AlDub Nation bunsod ng pagiging malapit ngayon ng idolo nilang si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Tawang-tawa si Cristy sa mga umano’y social post ng AlDub die-hard fans na pinalalayo si Kathryn kay Alden dahil anila ay dalawa na ang anak nito ng asawang si Maine Mendoza.


“Nakakatawa naman po talaga ‘yung isyu na ‘yan. Mano ngang gumising na kayo sa katotohanan,” aniya sa mga ito.


“Ang kulto ninyo wasakin niyo na buwagin niyo na. Aba e tinatalo niyo pa ang kulto ng relihiyon. Hanggang ngayon na ba naman ‘yan pa rin ang paniniwala n’yo,” payo pa niya sa mga ito.


Hamon ni Cristy sa mga rabid fans nina Alden at Maine, maglabas ng resibo para patunayan ang kanilang paniniwala.


“Hindi pwede ngayon ‘yung kung ano ang nalalaman mo lang. Kailangan ang ilabas niyo, resibo na paniniwalaan ng taongbayan,” paliwanag niya.


Pinagsabihan ni Cristy ang mga ito na mag-move on na sa dating magka-love team dahil matagal nang kasal si Maine sa aktor at Quezon City congressman na si Arjo Atayde habang matagal nang walang nababalitaang karelasyon si Alden.