‘Salamat sa alaga mo, mahal ko’

ITO ang reaksyon ng aktres at social media personality na si Zeinab Harake kay Ray Parks Jr. makaraang i-post ng basketball player ang ilan sa kanilang mga sweet photos sa social media.


Nitong Lunes ay ibinida ni Ray si Zeinab bilang kanyang “forever date.” Kalakip nito ang mga snaps date nila noong huling bumisita ang girlfriend sa kanya sa Japan.


Matatandaan na noong kaarawan ni Ray noong February ay lumipad patungong Japan si Zeinab para makasama ang kasintahan.


Pero pagdating sa Japan ay hindi niya naabutan ang boyfriend sa apartment nito kaya naghintay pa siya na makauwi si Ray kinagabihan.


“Grabe ang lamig. Umuulan pa parang akong pinaliliguan ng yelo sa labas. Antok na antok ako. Gutom ako. Lamig na lamig ako,” reklamo ni Zeinab.


“Ano ba ‘tong ginagawa ko sa sarili ko? Nasobrahan sa pagmamahal,” dagdag niya.