Hipon nabosohan sa IG live?

VIRAL ang video ni Herlene “Hipon” Budol na nakitaan umano ng private part habang naka live sa Instagram nitong Lunes ng umaga.


Makikita sa video si Herlene na kumakain nang bigla siyang tumayo para magpunta sa CR.


Maririnig sa background ang tawanan ng kanyang mga kasama dahil nakita ang suot niyang black na panty nang tumayo.


Nang bumalik sa upuan ay todo-tanong ang beauty queen-actress kung may nakita ba ang mga nanonood.

“Tingnan mo nga, nakita ba?” aniya sa mga kasamahan.


“Nakita ba, guys?” tanong naman niya sa netizens.


Dahil dito, nagdesisyon si Herlene na tapusin na ang pagla-live.


May ilang IG users ang nakapag-screenshot ng eksena kaya agad itong kumalat sa social media.


Sey ng marami, wala namang nakita sa dalaga dahil may suot itong underwear.