Cristy dinikdik si Vice sa pagkakahawig ng monologue sa speech ni Darryl Yap

GINAWANG pulutan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio/online show na “Cristy Ferminute” si Vice Ganda dahil sa anila ay pagkakatulad ng monologue ng TV host-comedian sa spoken poetry ng direktor na si Daryl Yap.


“Si Vice hindi pa kumikibo kung kinopya niya ‘yung litanya niya kay direk Darryl Yap. Ang dami-dami, kalat na kalat na ‘yan sa mga diyaryo,” sambit ni Cristy.


“Bakit hindi mo aminin at sa mga nagsulat ng speech mo na kinopya n’yo ang mga orihinal litanya ni Direk Darryl Yap? Bakit walang umaangat sa inyo para magsabi ng ‘Hindi totoo ‘yan! Nagkapareho lang kami ng mga pahayag’,” dagdag ng veteran showbiz writer at host.


“Ayun, tinamad din itong si Vice at saka ‘yung mga tagasulat niya ng speech! Bakit hindi ninyo ngayon kontrahin ang dami ng nagpapatotoo?” hirit pa ni Cristy.


Isiningit din niya na noong nasa comedy bar pa si Vice ay nagbabayad umano ito ng P1,000 kada joke mula sa mga kasamahan.


“Kung hindi pa namin alam, Vice Ganda, humihingi ka rin ng ibabato mong jokes sa mga kasamahan mo dati sa comedy bars. Magkano ang bayaran, Romel, magkatuusan na tayo? Magkano ang bayaran sa mga kasamahan mo ang bawat joke na ibibigay kay Vice?”


“Ang sabi one thousand daw per joke. Hahahaha!” sagot ni Romel Chika.


Nagkasama sina Vice at Romel sa comedy bars bilang mga stand-up comedians bago pumasok ang Unkabogable Star sa “It’s Showtime.”


Bukas ang Publiko sa panig nina Vice at Direk Daryl.