Niño naospital dahil sa namamagang pimple sa ilong

ITINAKBO sa pagamutan ang aktor at dating child star na si Niño Muhlach dahil sa namamagang pimple sa loob ng ilong ay itinakbo nitong Miyerkules.


Sa Facebook live, sinabi ni Niño na nagpaalam siya sa taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sobra na ang nararamdaman niyang sakit.


“Sobrang sakit na ng ilong ko. May tigyawat sa loob, ayan namamaga na o,” aniya.


“Wala na, sobrang sakit talaga. Hindi ko na kayang mag-dialog tsaka hindi na ako makaararte nang maayos,” dagdag niya.


Habang hinihintay ang doktor na titingin sa kanya binati ng aktor ang kanyang mga viewers.


Matapos magamot sa isang skin clinic sa Makati ay agad namang bumalik si Niño sa taping.