Vanessa Raval di anak ni Jeric–Ogie Diaz

KINUMPIRMA ni Ogie Diaz na hindi anak ng action star na si Jeric Raval ang kontrobersyal na content creator na si Vanessa Raval.

Sa larest episode ng kanyang online talk show na Showbiz Update, isiniwalat ni Ogie na ayon mismo kay Jeric ay anak ng kanyang pinsan si Vanessa.

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya na nakikitatay Tatay Eric na rin sa kanya,. Yun ang malinaw” ayon sa show biz writer-vlogger-talent manager.

“Pero sabi ko kay Jeric, ‘Kamukha mo ah’. Sabi niya, ‘Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko ‘no. Eighteen nga anak ko, hindi ko itinanggi. Hindi naman sa akin ‘yan. Hindi ko nga alam sa batang ‘yan ba’t ganyan ang mga naglalabasan sa kanya’,” dagdag ni Ogie.

Matatandaan na nag-trending si Vanessa makaraan nitong i-post sa social media ang tungkol umano sa isang rapper na gusto siyang i-date.

Kinalaunan ay ibinunyag niya na “scripted” lang ang kanyang post at sinabi na ginawa niya ito para protektahan ang isang mahal sa buhay.