State funeral para kay FVR sa Agosto 9

ITINAKDA ang state funeral para kay yumaong dating Pangulong Fidel Ramos sa Agosto 9, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Nakalagak ang mga abo ni Ramos sa Heritage Park sa Taguig Cify kung saan magsisimulang tumanggap ng mga makikiramay bukas, Agosto 4.

Nakatakda siyang ihatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Agosto 9.

Pumanaw si Ramos noong Linggo, Hunyo 31 dahil sa komplikasyon dulot ng Covid-19. Siya 94.