Student-athlete humakot ng medalya suot pudpod na sapatos

HINDI naging balakid sa student-athlete na si Lorenz Datilles ang kanyang laspag at gutay-gutay na sapatos para mahakot ang mga gintong medalya sa track and field.

Kasama si Datilles sa mga mag-aaral na lumahok sa Davao Regional Athletic Association Meet 2024 kamakailan.


Nasungkit ni Datiles ang gold medal sa 100-meter, 200-meter at 400-meter dash, 4×100-meter at 4×400-meter relay events.


Ang koponan din ni Datiles ang itinanghal na kampeon sa track and field sa buong Region 11.


Pasok na rin siya sa 2024 Palarong Pambansa na gaganapin sa Cebu sa July.


Sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabi ni Datilles na ang sapatos ang paborito niyang suotin dahil sa sobrang gaang nito ay para siyang lumilipad kapag tumatakbo.


Kapag nasisira, aniya, tinatahi o idinikit lang niya ito.