PBA player naharang sa Edsa busway, nanuhol

CAUGHT in the act ang PBA player na si Raymond Almazan na nanuhol makaraang maaktuhan na dumaan sa Edsa Busway noong Lunes.

Sa video na ipinost ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), makikita si Almazan na inaabutan ng pera ang isang SAICT officer.

Hindi naman tinanggap ng kawani ang iniaabot ni Almazan, center player ng Meralco Bolts, at itinuloy ang pagtiket dito.

Dalawa ang violation ng player: disregarding traffic sign at failure to carry OR/CR.

Si Almazan ang pinakabagong personalidad na naharang sa Edsa Busway. Nauna na rito sina dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, driver ni Sen. Chiz Escudero, at isang nagpakilalang kapamilya ng military official.