Finale episode ng ‘CLOY’ tinalbugan ng ‘Queen of Tears’

HUMATAW nang husto sa rating ang finale ng “Queen of Tears” na ipinalabas Linggo ng gabi.

Tinalbugan ng QOT na pinagbibidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won ang last episode na ng “Crash Landing on You”, dahilan para ito ngayon ang tanghalin bilang highest-rated episode sa Korean network na tvN.

Umabot ng 24.850 percent ang rating ng QOT, mas mataas sa 21.683 percent na nakuha ng CLOY noong Pebrero 2020.

Kwento ng chaebol heiress (Kim Ji-won) na si Hong Hae-in na nakapag-asawa ng abogado at anak ng isang magsasaka na si Baek Hyun-woo (Kim Soo-hyun). Magdidiborsyo na sana ang dalawa matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, nang madiskubre na may malalang sakit si Hae-in.