Karla, Rommel reunited sa birthday ni Daniel Padilla

NAGSAMA sa ika-29 birthday celebration ni Daniel Padilla sa Tanauan, Batangas ang kanyang mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla.

Ayon ulat, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang invited sa birthday event ni Daniel na naganap last Sunday.

Summer ang theme ng birthday celebration ni Daniel kaya nakasuot siya ng Japanese koi fish graphic design polo, black pants at hat.

Maagang dumating sa party ang tatay ni Daniel na si Rommel pati na ang tiyuhin na si Sen. Robin Padilla.

Magkaakbay pa ang mag-ama habang nanonood ng fireworks display.

Ilan sa mga bisita ang mag-asawang Zanjoe Marudo and Ria Atayde, basketbolistang si LA Tenorio gayundin ang ABS-CBN bosses na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak.

Bago ito ay nagdiwang ng birthday si Daniel sa isang animal shelter sa Pampanga.