Lucky Me! sa Pinas ligtas pa rin kainin – DOH

SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ligtas pa ring kainin ang Lucky Me! instant noodles sa Pilipinas sa pagsasabing sa bansa ginagawa ang mga produktong ibinebenta rito.

“Gusto ko po nating klaruhin na ito pong nangyari at isang insidente na lumabas na report kahapon ay nangyari po sa European countries, hindi po dito sa ating bansa. Mayroon po tayong local manufacturer ng food product na ito, kung saan ang atin pong mga ginagamit na mga sangkap nito at saka iyon pong pagsasagawa ay dito po sa atin sa Pilipinas,” paliwanag ni Vergeire.

Gayunman, aniya pa, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Food and Drug Administration kaugnay ng isyu.