‘Close friend’ suspek sa pagpatay sa dalagitang nagmo-module

ISANG malapit na kakilala, ayon sa pulisya, ang nasa likod sa pagpatay sa Grade 7 student sa Talisay City, Cebu noong Biyernes.


Ayon kay Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), sangkot ang suspek sa droga.


Hindi naman kinilala ni Pelare ang suspek upang hindi ito matimbrehan habang tinutugis
Gayunman, blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay.


Ayon sa ulat, sinasagutan ng biktima, 14, ang kanyang modules sa kanyang silid sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Cansojong sa Talisay City nang barilin siya sa batok.


Sinabi ng kapatid ng biktima na pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan sa kanilang bahay at binaril ang biktima.


Sinabi ni Pelare na makikipag-ugnayan sila sa kanilang mga counterparts sa mga kalapit na probinsya sakaling umalis ng Cebu ang salarin.