Japan ex-Prime Minister Abe namatay na – NHK

PUMANAW na ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe, ilang oras matapos siyang barilin ng isang gunman sa Nara City Biyernes ng umaga.

Sa report ng state-run television network na NHK, namatay si Abe, 67, habang nilalapatan ng lunas.

Binaril si Abe alas 11:30 ng umaga habang nagtatalumpati.