Kath hindi binati si Daniel?

DEDMA ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kaarawan ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Nitong Biyernes, April 26, ay walang ipinost na greeting para kay DJ si Kathryn sa kanyang mga social media accounts.


Gayunman, inulan ng pagbati ang aktor mula sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta.


“Mapayapa at maligayang kaarawan anak. Pagmamahal na walang kapantay ang alay ko sayo aking panganay,” ayon sa ina niyang si Karla Estrada.


“Happiest birthday kuya…Miss and love you,” ani Magui Planas, nakababatang kapatid ni DJ.