Int’l Women’s Day: Vicki Belo rumampa sa snow na naka-bathing suit

BATHING suit at fur boots lang ang suot ng dermatologist-to-the-stars na si Vicki Belo nang rumampa sa snow ng Niseko, Japan.

Flinex ni Doktora Vicki ang kanyang curves sa gitna ng yelo sa pagdiriwang ng International Women’s Day nitong Miyerkules.

“66 never felt so good 🤍 stay empowered in your skin, #happyinternationalwomensday✨” aniya sa Instagram post.

Maraming show biz personalities ang napakomento sa post ng doktora pero pinakatumatak ang sinabi ng kanyang mister na si Hayden Kho.

Set nito: “Only Belo touches her skin but only I can leave fingerprints.”