Nawawalang Cessna plane sa Isabela natagpuan na

NATAGPUAN na ang nawawalang Cessna 206 sa Isabela matapos itong mawala noong Enero 24.

Sinabi ni Isabela Governor Rodito Albano III na nakita ang Cessna plane sa Maconacon-Divilacan area.

Hindi pa batid ang kondisyon ng piloto ay limang pasahero nito.

Umalis ang Cessna plane 206 mula sa Cauayan airport kung saan patungo sana ito sa Maconacon, Isabela.