B1 at B2 30-years-old na

UMABOT na sa 30 years and children’s television show na Bananas in Pyjamas na kinagiliwan ng maraming at kanila ring mga magulang.

Nitong Hulyo 20, 2022, ay ipinagdiwang ng Sachs Family Entertainment ang ika-30 anibersaryo ng sikat na TV series na nagsimula sa Australia, at pinagkaguluhan din sa Pilipinas na ginawan ng dub sa Filipino language.

Kaya nga, kaway-kaway diyan sa mga batang lumaki sa “Bananas In Pyjamas” show at mga parents na nakipagsabayan sa panood nito, at hindi nakakalimot sa lyrics na:

“Bananas in Pyjamas
Are coming down the stairs
Bananas in Pyjamas
Are coming down in pairs
Bananas in Pyjamas
Are chasing Teddy Bears
‘Cause on Tuesdays they all try to catch them unawares” 🍌 đŸŽ¶

O kaya ay ganito:

“Sina B1 at B2 laging magkasama,
Sa lahat ng oras sila ay masaya.
Kaibigang oso ang kalaro nila;
Sila ay sama-sama
Kahit na may problema.”

Bukod kina B1 at B2 na silang mga pangunahing tauhan sa tv series, kasama rin nila ang mga karakter na sina Amy, Lulu at Morgan at Rat in the hat (Doding Daga).