1 patay, 13 pa nalason sa mami sa Tondo

ISA ang nasawi habang 13 iba pa ang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa diumano’y food poisoning na kanilang naranasan matapos kumain ng mami sa Gapan Street, Gagalangin, Tondo, Manila Huwebes ng umaga.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang nasawi.

Ayon sa report ng Manila Police District, nakaranas ng pagkahilo, pagsusuka at pagtatae si Jimmy Solon at 13 iba pa, ilang oras matapos makakain ng “mami soup” na ibinibenta ni Joy Bernardo.

Dinala ang mga biktima sa Tondo Medical Center para malapatan ng lunas, ngunit sa kanila ang hindi mapalad makaligtas.

Nakakuha na rin ng sample ng mami soup at dinala sa Manila Health Department para ma-test.