Magsayo pinatumba Mexican boxer sa 10th round

NAPATUMBA ng Filipino boxer na si Mark “Magnificent” Magsayo ang Mexican boxer na si Julio Ceja sa laban nila T-Mobile Arena sa Las.Vegas Sabado ng gabi (Linggo sa Maynila).

Sa 10th round napabagsak ni Magsayo si Ceja dahilan para tanghalin siyang bagong WBO International Featherweight Champion.

Una nang na knock-down ng boksingero mula sa Tagbilaran, Bohol si Ceja s unang round ngunit nakabawi pa rin ang Mexicano.