Manny Pacquiao talo; nag-sorry sa publiko

TALO si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa laban nito sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas sa Las Vegas Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas).

Na-retain ni Ugas ang kanyang titulo na WBA welterweight champion nang manalo via unanimous decision laban sa pambato ng Pilipinas, sa iskor na 115-113, 116-112, 116-112.

Humingi naman ng pasensiya si Pacquiao sa hindi magandang laban na ipinakita niya.

“I’m sorry that we lost tonight. But I did my best and I apologize,” sabi ni Pacquiao nang makapanayam matapos ang laban.

Anya may masakit siyang nararamdaman sa kanyang mga binti kaya siya nahihirapan kumilos.