Xian Lim pinagsabay Kim, Iris – Xian Gaza

KUNG paniniwalaan ang social media personality na si Xian Gaza ay matagal nang may relasyon ang aktor na si Xian Lim sa network producer na si Iris Lee.

Sa kanyang Facebook post nitong Martes ng gabi, isiniwalat ni Gaza na magkasama na sa iisang bahay sina Lim at Lee kahit karelasyon pa ng aktor ang actress-TV host na si Kim Chiu.

“Nag-live in na sila ni Iris Lee habang jowa pa niya si Kim Chiu kompirmd,” ani Gaza.

Sa comment section, klinaro ni Gaza na “hindi daw live in sleep over lang everyday” sina Lim at Lee.

Sey pa ng Thailand-based social media personality na maging siya ay nawindang sa nasagap niyang balita.
“An’lala hindi ako nakakapit,” sambit niya.

Matatandaan na sa panayam ni Dra. Vicki Belo ay inamin ni Kim na hindi siya updated kung mayroon nang ipinalit sa kanya si Lim.

“Hala, hindi ko alam, dok. Wala akong idea,” ani Kim sa tanong ni Vicki kung totoo ang mga nababalitaan nito na nakamove-on na nang bongga-bongga si Xian.