Vice Ganda sinabunutan sa concert sa Canada

PINALAGAN at pinagalitan ni Vice Ganda ang isang fan na tila nanggigigil sa kanya at hinila ang kanyang buhok sa kalagitnaan ng concert niya sa Edmonton, Canada.

“Who did that? You don’t do that, that’s very disrespectful,” ani Vice sa nasabing fan.

Hiningan din niya ng paumanhin ang nanabunot sa kanya.

“You have to say sorry to me,” pahayag pa ng singer-actor.

Nang itanggi ng fan ang akusasyon, muling mahinahong nanermon ang Unkabogable Star.

“Who did that? That’s very rude. I’m trying to give you a wonderful time but don’t try to hurt me. That’s not right,” dagdag pa niya.

“We’re all friends here. Don’t hurt me,” giit pa niya.

Itinuro pa ni Vice ang dalawang fan na nagtuturuan kung sino ang nanabunot at sinabing “This guy is very rude. Is she your girlfriend? Both of you are rude” bago naglakad palayo.