Vice Ganda gustong magkaanak pero walang panahon

PANGARAP ni Vice Ganda na magkaroon ng anak pero nananatili itong pangarap dahil wala pa siyang oras para “gumawa” ng baby.

Sa vlog ng aktres na si Maricel Soriano, isiniwalat ng Unkabogable star na marami siyang tinitimbang bago isakatuparan ang plano, gaya ng kanyang edad.

“Kung gusto kong magkaanak? Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” ani Vice kay Maricel.

“Actually nagko-compute din ako. ‘Maaalagaan ko pa ba ito ‘pag ganitong edad? Pag nag-debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya?’ Iniisip ko rin yung mga ganu’n,” dagdag niya.

Samantala, inihayag ng TV host-comedian na ang kanyang asawang si Ion Perez ang kanyang “the one.”

“Noong na-meet ko si Ion, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life, and I need him to be in my life,” sabi ni Vice.