Piso lalo pang sumadsad; P58.49 vs $1 na

LALO pang sumadsad ang halaga ng piso matapos magsara ang palitan sa P58.49 kada isang dolyar ngayong Huwebes, Setyembre 22, 2022.

Miyerkules nang pumalo sa P58 level ang palitan sa merkado kotra dolyar.

Nauna nang nagbabala ang ekonomista na posibleng umabot pa sa P60 kada dolyar ang piso.

Nagbukas ang kalakalan Huwebes ng umaga sa P58.1 at umabot sa pinakamababang halaga na P58.5 bago magsara sa P58.49.