Veteran actor Rez Cortez cancer-free na

MASAYANG ibinahagi ng anak ni Rez Cortez na cancer-free na ang aktor matapos ang isinagawang liver surgery dito kamakailan.

“Thank you so much sa lahat ng nagdasal at nagtanong kung kamusta si Daddy. I am so happy to announce that Daddy is cancer-free,” ayon sa aktres na si Cai Cortez sa video na kanyang ipinost.

“Praise the Lord!” ani naman ni Rez.

Labis ang naging pasasalamat ni Cai sa mga taong nagdasal para sa recovery ng kanyang ama.