Isko Moreno tatakbong pangulo sa 2022

TIYAK na tatakbo sa pagkapangulo sa darating na 2022 elections si Manila Mayor Isko Moreno.

Inaasahan na pormal na iaanunsyo ng alkalde ang kanyang kandidatura sa mga susunod na oras, ayon kay Lito Banayo, ang kanyang magiging campaign manager.

Sinasabing ang doktor na si Willie Ong ang magiging vice presidential running mate ni Moreno.