P88M PDAF ni Gordon hinahanap ni Digong

MULING bumanat si Pangulong Duterte kay Sen. Richard Gordon kung saan kinuwestiyon ng una ang umano’y nawawalang P88 milyong Priority Development Allotment Fund (PDAF) ng senador.

“Gusto kong malaman na tumanggap ka ba ng — was it P88 million? Sa PDAF mo? Ito kung totoo lang, idinikit mo sa PDAF, pinarking mo doon ‘yung PDAF mo. So you commingled it with the money of the Congress — ah of the Red Cross and of Congress ‘yung nakuha mo,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the Nation Lunes ng gabi.

Idinagdag ni Duterte na hindi pa na-aaccount ni Gordon ang naturang pondo.

“Ngayon, the money is lost forever. It cannot be accounted for — if this is true, kung totoo itong pinarking mo talaga. Ang nagsasabi nga niyan mga taga-Red Cross,” ayon pa kay Duterte.