Vanessa Hudgen hinirang na Global Tourism Ambassador

GINAWARAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang American actress na si Vanessa Hudgens ng Global Tourism Ambassador Award matapos ang isang courtesy call sa Palasyo nitong Huwebes.

Sinamahan si Hudgens nina Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) Paul Soriano at Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco.

Ibinigay ang parangal bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang ipakilala ang Pilipinas bilang pangunahing pandaigdigang destinasyon para sa pamumuhunan at turismo.