Starlet da who kay Ruru

WALANG balak patulan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang self-proclaimed Sawsawera Queen na si RR Enriquez sa kabila ng pakikialam nito sa relasyon nila ni Bianca Umali.

Pinatahimik na rin ni Ruru ang amang si Bong na kinastigo kamakailan si RR bunsod ng pagpuna nito sa walang label na relasyon nina Ruru at Bianca.

“Sabi ko nga sa kanya, huwag na niyang patulan. Siyempre may mga ganu’n, I mean, we can’t please everybody, di ba?” ani Ruru.

“Kung iyon po ‘yung tingin niyang opinyon, e hindi po natin maalis sa kanya. Sariling opinyon niya po ‘yun,” dagdag ng “Lolong” star.

“But for me, it’s okay. Kami naman po ni Bianca, what you see is what you get. So, for sure sa mga taong nakakakilala sa amin, sa mga taong malapit po sa amin, kilalang-kilala po kami kung ano man po yung relasyon naming dalawa,” sabi pa niya.

Dedma naman ang aktor sa pagbanat ng starlet sa kanyang ama.

“Ayoko pong magpaapekto sa mga ganu’ng klaseng bagay. So, hayaan na po natin,” paliwanag niya.