Kelot kinaladkad ng tren, nalasog

PATAY ang lalaki na mayroong sakit sa pag-iisip makaraang mabunggo at makaladkad ng tren sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas nitong Master, nasa 45 anyos at pagala-gala sa Brgy. 155.

Ayon sa ulat, bago ang insidente ay nakitang naglalakad sa riles ng PNR malapit sa Yuseco st. ang lalaki alas-5:50 ng hapon.

Bago pa siya nakatawid ng riles ay nasalpok siya ng tren at nakaladkad nang hanggang pitong metro.

Napag-alaman na walang kamag-anak sa lugar ang biktima at namamasura lamang ito para may makain.