Ruffa kinilig sa love life ni Raymond

ISA si Ruffa Gutierrez sa mga natuwa sa pagbabandera ng kapatid na si Raymond sa boyfriend nitong isang American lawyer.

Sey ni Ruffa sa Instagram post ni Raymond kung saan isinapubliko nito ang lover na si Robert William, “Wow!!!! You finally have a love life.”

“‘Congrats, MOND!!!!” dagdag ni Ruffa.

Ngayong araw ay ibinida ni Raymond sa IG ang ilan sa mga litrato nila ng kanyang jowa.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” caption niya.

Sa panayam ni Dr. Vicki Belo, sinabi ni Raymond na may kaugnayan sa batas ang trabaho ng BF.

“We’re in different worlds. He’s in the world of law and I’m in entertainment,” aniya.

Inihayag pa niya na nagkakilala sila sa dinner ng kanilang common friend sa Los Angeles.