Gerald winalis dadaanan ni Ivana

BUMILIB ang aktres na si Ivana Alawi kay Gerald Anderson sa pagiging maalaga nito sa kanya sa set ng kanilang teleserye na “A Family Affair.”

Sa isang panayam, sinabi ni Ivana na sobra siyang nabaitan sa boyfriend ni Julia Barretto.

Sey ni Ivana, nakita niya ang kabutihan ng puso ni Gerald nang kinailangan niyang tumakbo nang nakapaa sa isang eksena.

“Kasi may scene na tumatakbo akong nakapaa tapos siya mismo ‘yung nagwalis.

“Sabi ni Gerald sa akin, ‘Ha tatakbo ka wala kang tsinelas?’ Sabi ko, nalinis na nila so okay lang ‘yan.

“Sabi niya, ‘Hindi, hindi akin na ‘yung walis. Walisin ko ulit.’ Baka kasi may bubog or something kahit nalinis na siya ng production. Nagwawalis siya. Sabi ko, sobrang bait naman,” kuwento ni Ivana.

Kaugnay nito, sinabi ni Gerald na hanga siya sa pagiging professional at sa galing sa pag-arte ni Ivana.

“From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako. Sana, after this, share pa rin niya yung talents niya sa ating lahat. Exciting kung ano pa ang gagawin niya. Abangan niyo ang napaka amazing na Ivana dito,” aniya.