Pinay-American singer Olivia Rodrigo bumida sa MTV Video Music Awards

THREE major awards ang hinakot ng Filipina-American singer Olivia Rodrigo sa nakalipas na 2021 MTV Video Music Awards.

Tuwang-tuwa ang kanyang mga fans, kabilang na ang mga Pinoy sa latest achievement ng 18-year-old singer.

Ang hit single niya na “Good 4 u” ay unang kinilala bilang song of the summer ng audio streaming and media services provider na Spotify matapos makakuha ng 600 milyon streams mula Mayo hanggang Agosto.

Kinilala siya bilang Best New Artist, Song of the Year, at “Push Performance of the Year” dahil sa kanyang record-breaking single na “Driver’s License.”

Bukod dito, nominated din ang teen sensation para “Artist of the Year” at “Best Pop Video.”