Pambansang friend’ na si Paolo na beast-mode sa bashers ni Yen

HINDI natuwa ang aktor na si Paolo Contis sa pagba-viral ng caldereta na iniluto sa kanya ng rumored girlfriend na si Yen Santos.

Sa isang panayam, sinabi ni Paolo na naka- private ang kanyang Facebook account at kokonti lang din ang friends niya kaya pakiramdam niya ay natraydor siya ng isa sa mga ito nang i-repost ang kanyang status ukol sa ulam.

Maliban dito, na-beast mode din ang aktor sa dami ng mga nam-bash sa ginawa ni Yen.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay,” hirit ni Paolo sa interview ng pep.ph.

“Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Paolo na niya na hindi niya maintindihan ang mga bashers dahil wala naman silang ginawang masama ni Yen.

“Bash sila nang bash, busog naman ako!” dagdag niya.

Inamin naman ni Paolo na napaparami ang kain niya kapag si Yen ang nagluluto ng ulam.
Samantala, ibinalita ng aktor na hinihintay pa niya ang adobo na ni-request niya mula sa aktres.