Golden State Warriors kampeonato sa 2022 NBA Finals

SA ika-apat na pagkakataon sa loob ng walong taon, tinanghal na kampeonato ang Golden State Warriors ngayong 2022 NBA Finals kontra Boston Celtics.

Nakuha ng Warriors ang korona nang magtapos ang iskor sa 103-90 sa Game 6 ng NBA Finals na ginawa sa TD Garden Huwebes ng gabi.

Tinanghal naman si Stephen Curry, na naka-iskor sa laban ng 34 points, bilang MVP ng Finals.