Pagkamatay ni Jaclyn walang ‘foul play’

KUMBINSIDO ang pamilya ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose na walang foul play sa pagkamatay nito.

Samantala, inihayag ni Col. Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office na tumanggi na ang pamilya ng aktres na pag-usapan ang detalye ng pagkamatay nito.

“In deference sa request ng family for some privacy, we opted not to discuss further the case involving Ms. Jaclyn Jose but suffice to say na the family opted not to further discuss the case,” ani Fajardo.

Dagdag ng opisyal, naniniwala ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ni Jose. “So, let us leave it at that upon request ng family,” sambit niya.

Pumanaw ang batikang aktres nitong Marso 2 sa edad na 59.

Samanta, naglabas din ng pahayag ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann hinggil sa pagkamatay ng ina.

Sinabi nito na namatay ang ina dulot ng heart attack, kayat nanawagan siya ilan na itigil ang espekulasyon tungkol sa pagpanaw ng batikang aktres.