Bashers inasar? Dianne Medina naglagay ng bouncy castle sa sala

MAKARAANG ma-bash sa ginawang pag-set up ng inflatable pool sa gitna ng kanilang marangyang sala, bouncy castle naman ang inilagay ng TV personality na si Dianne Medina sa loob ng bahay para makapaglaro ang anak na si Joaquin.

Sa Instagram, ibinida ni Dianne ang larawan niya at ng anak habang nag-eenjoy sa inflatable castle.

“My House, My Child, My Rules! Kahit maglagay pa ako ng inflatables sa loob okay lang,” aniya.

Noong Linggo ay shinare ni Dianne ang clip ng paglalaro ni Joaquin sa pool sa kanilang living room.

“Joaquin wants to swim outside but its so hot and told me he wanted to swim inside. So ayan nag set up kami ni Daddy Rj ng Mini pool niya. At first I was bit hesitant madudumihan and mababasa ang carpet and all pero naisip ko minsan lang bata si Joaquin gusto ko ma- enjoy niya and ang sala pwede naman patuyuin at linisin ang mga gamit hahha! Same as before nagdrawing siya ng car sa sofa using pentel pen hindi na ko nagalit kasi mapapalitan naman yun haha! Kung saan ka masaya anak! Mahal na mahal kita 💙,” ani Dianne sa caption.

Dinumog naman ng netizens ang comment section para i-bash ang paandar ni Dianne.