Bunso nina Vic, Pauleen bininyagan

BININYAGAN nitong Linggo ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Thia Marceline o Mochi.

Isinagawa ang pagbibinyag ni Fr. Jeffrey Quintela, na kilalang malapit sa mga Dabarkads, ng St. John Mary Vianney Parish.

Ilan sa mga naispatan sa binyagan ang mga kapatid ni Mochi na sina Pasig Mayor Vico Sotto at Paulina Sotto-Llanes.

Present din ang pamilya ng dalawa pang anak ni Vic na sina Oyo at Danica Pingris. Tumayo namang ninang ni Mochi si Nina Almoro, Joy Sotto, Chef Florabel Yatco, Kath Hermosa at Ciara Sotto.