4 todas sa methane gas

NASAWI ang apat katao, kabilang ang opisyal ng barangay, makaraang makalanghap ng methane gas sa isang tunnel sa Bambang, Nueva Vizcaya nitong Lunes.

Ayon sa Police Maj. Frederick Ferrer, hepe ng Bambang Police Station, nakulong ang tatlo habang naghuhukay ng lagusan.

Sinubukang iligtas ng miyembro ng konseho ng Brgy. Magsaysay Hill ang tatlo ngunit nabigo itong lumabas matapos makalanghap ng methane.

Narekober ang katawan ng mga biktima rescue team ng Didipio Mine ng OceanaGold, Bureau of Fire Protection, Municipal Risk Reduction and Management Office at lokal na pulisya.