Liza Soberano ididirek ng ‘Parasite’ director?

ITO ang tanong ng publiko makaraang maispatan ang “Liza Frankenstein” star kasama ng South Korean film director na si  Bong Joon-ho.

Sa Instagram, ibinandera ni Liza ang photo nila ni Bong Joon-ho sa Anime Awards (The Crunchyroll Anime Awards) sa Tokyo, Japan noong March 2.

Isa si Liza sa mga presenters ng awards show na inorganisa ng anime streaming app na Crunchyroll para parangalan ang pinakamahuhusay na anime production mula sa nakaraang taon.

“Still not over the @animeawards.official!!! What an honor to be amongst legends in the anime, film and entertainment spaces,” caption ni Liza sa litrato nila ng direktor.

“Thank you @crunchyroll for the incredible opportunity!” dagdag niya.

Maliban sa Oscar-winning “Parasite,” si Bong Joon-ho ang nagdirek sa mga pelikulang “The Host,” “Memories of Murder,” at “Snowpiercer.’