Kathryn, Alden naispatan sa sine

DATING na ba ang status nila?

Ito ang tanong ng publiko makaraang makita ssina Kathryn Bernardo at Alden Richards na magkasamang nanonood ng pelikula sa BGC.

Sa latest episode ng “Marites University,” isiniwalat ng show biz writer na si Rose Garcia ang nasagap niyang impormasyon uk sa date nina Alden at Kathryn.

“Kitang-kita ng aking source na nanood sina Alden Richard at Kathryn Bernardo ng movie dito sa BGC,” ani Rose.

Gayunman, dagdag ni Rose, kasama nina Alden at Kathryn ang BFF ng aktres na si Alora Sasam sa movie date.

“Kung ‘di ako nagkakamali, noong Thursday lang ‘yan na spotted sina Kathryn at Alden. So, parang ako lang, nakakatuwa lang dahil parang sobrang nag-level up na talaga ‘yong closeness nila,” dagdag niya.

Sa panayam ng Preview magazine, sinabi ni Alden na kanila na lang ni Kathryn kung ano man ang meron sila ngayon.

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” aniya.