Moira nagluluksa sa pagkamatay ng driver

NAGDADALAMHATI ang singer na si Moira Dela Torre sa pagkamatay ng kanyang driver na itinuring niyang kaibigan.

“Kuya Baj, salamat po sa lahat. Hindi ka lang naging mabuti na driver sa akin, kundi mabuting kaibigan na rin. Lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin,” ani Moira.

Nagpasalamat din siya sa pagdamay nito sa kanyang sa mga problema.

“Hindi ko pa rin po alam paano magpaalam sa isang katulad mo Kuya Baj. Kaya magpapasalamat na lang ako sa’yo… sa pagtahan sa ‘kin sa mga araw na mag-isa ako at sa pagpatawa sa amin sa bawat pagkakataong mahanap mo,” dagdag ni Moira.

“Salamat sa pag-intindi kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya nung mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako. Mami-miss ko tawa mo, Kuya Baj. Pati yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos. Pahinga ka na, kuya. Mahal na mahal ka namin. Niss ko na tawa mo. Salamat sa lahat. Love you Kuya Baj,” aniya pa.