Lolit Solis naospital; Bong Revilla nataranta

NATARANTA sa pag-aalala si Sen. Bong Revilla nang malaman na naospital ang veteran show biz writer at talent manager na si Lolit Solis.

Kaya naman todo ang pasasalamat ni Lolit kay Revilla, sa asawa nitong si Lani Mercado at sa kanilang mga anak.

“Kaya kahit ano sabihin ipaglalaban ko pamilya Revilla dahil alam ko kung gaano nila ako kamahal. Talagang parang member ako ng family na lahat natataranta ng malaman nasa hospital ako,” chika ni Lolit sa Instagram.

“Nuon pa kita ko na iyon concern sa akin ni Bong Revilla. Iyon pagmamahal ni Lani Mercado. Iyon para akong nanay ng mga anak nila dahil sa paggalang sa akin. Forever grateful sa kanilang love,” dagdag niya.

Ayon kay Lolit, talagang maaasahan sa oras ng pangangailan ang actor-politician.

“Alam ko na may maasahan ako pag nasa gitna ako ng problema. Alam ko na hindi lang sa akin ganuon ang pag aalaga ni Bong. Nakita ko kung paano niya itrato mga tao niya, mga nagtratrabaho sa kanya,” aniya pa.