Janus del Prado may patutsada kay Gerald Anderson?

USAP-USAPAN sa social media ang naging post ni Janus del Prado ukol sa pagso-sorry ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo.

“May bagong show ‘ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team, ‘di ka magso-sorry at pinag-away-away mo kami para lang pagtakpan ang kalokohan mo sa set?” post ng kaibigan ni Bea sa Instagram.

Banta naman ni Janus, marami pa siyang pakakawalan na isyu kung patuloy ang mga ‘paid trolls.’

“Uy, nagpakawala na siya ng mga bayarang troll… Pakawala ka pa baka sakaling tuluyan ko nang matapon ‘tong tsaa na hawak ko.”

“Inaatake na ako ng mga paid trolls nila G&J pero kahit kelan wala naman akong sinabi masama kay J,” ayon sa latest post ni Janus.

Matatandaang sinabi ni Gerald na umaaasa siyang mapapatawad siya ni Bea sa mga ginawa niya sa aktres.