Ina ni Heaven Peralejo nilektyuran ni Ogie Diaz

PINAGSABIHAN ni Ogie Diaz ang ina ni Heaven Peralejo matapos ang pag-call-out nito kay DJ Chacha kamakailan.

Chika ni Ogie, bagama’t nauunawaan anya ang damdamin ng mommy ni Heaven, hindi dapat anya ito nagpapadalus-dalos lalo’t wala namang tinutukoy na pangalan si DJ Chacha sa kanyang tweet.

“Sinabi ko rin kay mommy na, ‘Next time mommy, wag ganun.’ Lalo na pag di naman natukoy kung sino yun, kahit pa tumbok na tumbok na,” kwento ni Ogie.

Chika pa ni Ogie, talung-talo ang ina ni Heaven sa ginawa nito lalo na’t wala namang binanggit na pangalan si DJ Chacha.

“Hindi mo kailangan sumagot lalo na’t walang pangalan, kasi kahit saang anggulo ka, talo ka dun. Kasi, iisa lang naman ang sasabihin niyan eh.”

“O bakit? Bakit ka nagre-react sa hanash ko, may tinukoy ba akong pangalan? Tinukoy ko ba yung anak mo? Ba’t ka nagre-react? Guilty?”

Matatandaang nagtweet si DJ Chacha ukol sa pang-aagaw ng boyfriend na agad namang sinagot ng ina ni Heavan ang DJ.