Janine walang planong pakasal

SA edad na 33, wala pa sa isip ng aktres na si Janine Gutierrez na magpakasal.

“This is so funny kasi because this is a question that girls get every time they celebrate their birthday, and kanya-kanya talaga siya. For other people, they’re happy to get married younger and other people don’t even want to get married at all,” ani Janine nang tanungin ng fan kung kailan niya balak lumagay sa tahimik.

“Ako, personally, it’s not in the plans for this year. Wala pang plans,” dagdag niya.

Pinayuhan naman niya ang mga kababaihan na huwag ma-pressure na magpakasal kahit nagkakaedad na.

“I hope you don’t feel pressured or left behind dahil lang ang daming nagtatanong. When it comes down to it, you’re always on your own timeline and it’s up to you kung anong gusto mong gawin with your life,” aniya.

Sa mga mahilig mang-usisa, pakiusap niya: “Wag naman kayong mang-pressure. Kanya-kanyang journey talaga ‘yan and there’s no correct timeline in life.”