Janella hiwalay na sa baby daddy

NAGPAHIWATIG si Janella Salvador na hiwalay na sila ni Marcus Paterson, ang ama ng kanyang anak na si Jude.

Sa isang panayam, hindi tuwirang sinagot ni Janella ang tanong kung break na sila ni Marcus.

Pero nagparamdam siya na totoo ang matagal nang ibinabalita na naghiwalay na sila ng landas ni Marcus.

“Masaya naman ako ngayon, happy, at leace. Okay naman kami, basta okay kami,” ani Janella.

“We’re both happy as individuals and our main priority is Jude,” dagdag niya.

Nagpahiwatig muli si Janella na single na siya makaraang tanungin kung anong klase ng lalaki ang gusto niyang makarelasyon.

“Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating basta’t maayos, basta’t mamahalin ako,” pahayag niya.

Mapapanood si Janella bilang Valentina sa “Mars Ravelo’s Darna” na magsisimula nang ipalabas sa Kapamilya channel sa susunod na linggo.